Pinulong ng ating Kuya Admin Bhojie H. Mejila at Barangay Land and Housing & Resettlement Office (BLHRO) ang mga lider ng Task Force Segment 8.2. kaugnay sa nangyaring Beneficiary Selection Arbitration and Award Sub-Committee (BSAAC) Meeting na dinaluhan ng mga lokal at pambasang ahensya ng pamahalaan at ng ating butihing Punong Barangay Richard Ambita, kahapon sa tanggapan ng National Housing Authority.
Layunin ng pagpupulong sa mga lider at mga apektadong pamilya, ay matalakay ang mga dokumentong kailangang isumite sa nasabing kumite, na muling magsasagawa ng delibirasyon sa darating na Huwebes ng susunod na linggo.
Nagpapasalamat ang mga lider komunidad, sa buong suporta ng pamahalaang barangay sa mga apektado ng proyoektong Segment 8.2 ng NLEX.