Sa atas ng ating butihing Punong Barangay. Muling sinimulan ngayong araw Enero 16, 2023 ang CLEARING OPERATION sa BAGBAG MARKET, sa pangunguna ng ilang mga Unit ng ating Barangay. Ang BARANGAY ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT (BESWMO), TASK FORCE PALENGKE (TFP) at BARANGAY PUBLIC SAFETY OFFICE (BPSO), na pinamumunuan nina Ex-Officer Felipe Decada Jr., Manny Rodriguez at Alexander Margate, kasama ang mga kawani sa ilalim ng kanilang mga unit at Kagawad Rico Calesterio, bilang pangalawang tagapangulo ng komiteng pangkalikasan.
Panawagan po sa lahat ng mga manininda sa ating mga pamilihan, huwag naman po nating sakupin pati ang mga sidelwalk na para sa mga tao at mamimili. Panatilihin din po natin ang kalinisan at desiplina bilang mga manininda.
