Sa pagdiriwang ng Pista at Pasko ng Pagkbuhay kahapon, Ika-9 ng Abril 2023. Sinimulan ng ating butihing Punong Barangay Richard V. Ambita, MPA, ang pagdalo sa Misa ng Salubong sa Parokya ng Pagkabuhay, na pinangunahan ng ating Kuraparoko Rev. Fr. Ross Dela Cruz, SSCC.
Matapos ang Misa ng Salubong, umikot ang ilang mga banda, upang salubungin ang magandang umaga ng ating Kapistahan at Gisingin ang ating mga Diwa sa ating pagdiriwang.
Karamihan sa mga komunidad na nasasakop ng Parokya ng Pagkabuhay, ay nagkaroon ng ibat-ibang mga kasiyahan at patimpalak na handog ng ating Punong Barangay.