Iginawad kahapon (Agosto 16, 2023) ang Hearing Aid ni Dave Allen Saavedra, ang Hearing Aid na nagkakahalaga ng Php 480,000.00 pesos, sa tulong din ng Madriaga’s Hearing Care Center.
Katuwang din ng ating Barangay ang World Vision, isang Non-Governmental Organization. Upang maisakatuparan ang ilan sa mga programa para sa ating mga ka-barangay na mayroong pansanan.
Isa itong maagang Pamasko sa batang si Dave Allen Saavedra.
Para sa mga ka-barangay natin na mayroong ganitong kondisyon, huwag pong mag-atubiling magtungo sa ating Barangay at hanapin sina Bb. Jennifer Silvestre at Bb. Teresita Sarabosing.