ISF Fire Incident at Ibayo 2

Itinalaga ng ating butihing Punong Barangay Richard Ambita ang ating Kuya Admin Bhojie Mejila bilang Incident Commamder sa lokasyon ng sunog sa Ibayo 2.

Agad nagsagawa ng clearing operation ang ating Barangay Administrator sa mga Absentee House Owner. Upang bigyang prayuridad ang mga renter na makapagtayo ng kanilang staging area na mga lihitimong benepisyaryong nakatala sa Census and Tagging ng C5 NORTHLINK PROJECT SEGMENT 8.2.

Kasama sa nasabing operasyon ang mga Kapulisan ng Station 4, Housing Community Development and Resettlement Department ng NDC na si G. Ivan D. Rivera, ang mga kawani ng Barangay Land and Housing and Resettlement Office (BLHRO) na sina Bb. Aurora Buñao, Gemma Alcantara, Fe Navales, Francia Gabayeron at Admin Staff Alvin Rabacca.

Sinamantala din ni Kuya Admin Bhojie Mejila ang biglaang pagbisita ni dating Pangulong GLORIA MACAPAGAL ARROYO na ngayon ay Kongresita ng Distrito ng Pampangga.

Aniya, kailangan suportahan ang posisyon ng mga Informal Settler Association kung mayroong ipapatawag na Lower House Hearing ang Apat (4) na mambabatas sa Distrito 5 Cong. PM Vargas, Distrito 6 Cong. Marivic Co-Pilar, Distrito 2 Cong. Ralf Tulfo at District 3 Cong. France Pumaren. Pormal din nagpakilala ang ating Kuya Admin sa dating pangulo, na siya ay isa sa kaniyang appointee sa Pambansang Komisyon Laban sa Kahirapan o National Anti-Poverty Commission noong kaniyang panunungkulan.

Patuloy na magsasagawa ng dialogo sa lokasyon ng sunog sa Ibayo. Upang maisaayos ang pagtatayo ng mga staging area ng mga biktima ng sunog.