INAUGURATION OF MULTI-PURPOSE HALL AT GRAND MONACO

Pinangunahan ng ating butihing Konsehal Alfred Vargas at kinatawan ng ating Distrito Cong. PM Vargas, kasama ang ating butihing Punong Barangay Richard Ambita , MPA at Sangguniang Barangay, ang pagpapasinaya ng proyektong Multi-Purpose Hall sa Grand Monaco ngayong araw.

Maraming salamat sa ating masipag na Konsehal at Congressman sa inyong mga proyekto sa Barangay Bagbag at sa buong distrito.

Gayun din ay nais nating ipaabot ang ating pagbati sa ating Cong. PM Vargas, bilang isa sa TOP 6 sa pinakamasipag at pinakamahusay na mambabatas sa Mababang Kapulungan ng ating Kongreso.