SSS KALTASSS COLLECT

Ginanap ngayong araw (February 27, 2023) ang Memorandum of Agreement Signing sa pagitang ng SSS Novaliches Branch Head Mam Lydia C. Cerano at ng Pamahalaang Barangay sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay Richard V. Ambita, MPA.

Layunin ng kasunduang ito, ay mabigyan ng seguridad ang mga Kawani ng Barangay na makapaghulog ng buwanang kontribusyon sa pamamagitan ng programang KALTASSS COLLECT ng SSS.

Magpapatuloy ang SSS Caravan sa Barangay Bagbag, hindi lamang para sa mga Kawani ng ating Barangay, maging sa pagsasaayos ng mga SSS ng ating mga Ka-Barangay.